Site announcements

Announcement

Announcement

by Shaina Eveth Ampongan -
Number of replies: 0

Malugod po naming ipinapaalam na magkakaroon ng Measles Rubella Tetanus Diphtheria (MRtd) Vaccine para sa mga batang edad 6-7 taong gulang sa grade 1 at 12 -13 taong gulang sa grade 7.


Papayagan ang walk- in basta tumungtong na ang bata sa mga nasabing edad. Ito ay gaganapin sa Oktubre 20, 2021Miyerkules na araw sa ating paaralan mula 8 :00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon.


 - Mga paalaala sa ating mga magulang at mag-aaral na pupunta:


*Magsuot ng facemask at faceshield.

*Magdala ng sariling ballpen

* Magdala ng school ID o birth certificate ng mag-aaral.

* magdala ng alcohol ( sanitizer )

* Siguraduhing nakakain ang bata bago ang bakuna.

* Huwag nang papuntahin kung ang mga mag-aaral ay kasalukuyang may lagnat, ubo, sipon o di mabuti ang pakiramdam.

* Regardless sa vaccination status ng mag-aaral ay maaari pa rin na mabigyan sila ng bakunang nakasaad. 

Maaari nilang dalhin ang kanilang vaccination card kung mayroon. Hindi magiging hadlang ang vaccination card upang sila ay hindi mabakunahan.


* Sundin ang ating Safety School Protocols

      - Magfill-up ng ating contact tracing o gamitin ang ating QR code

       - Kuhain ang body temperature at isulat ito sa contact tracing.

       - Maghugas ng kamay 

       - Observe social distancing sa loob ng ating paaralan.

 

Maraming salamat po❤